It all started with a dream
Lahat ng tao may pangarap. Maliit man o malaki, hindi mo maitatanggi iyon.Sa isang banda ng buhay, naisip mong sundin at hanapin ang pangarap na iyon.
Subalit, hindi lahat ng pangarap na binuo natin ay nagkakatotoo.
Hay... nag-iisip na naman ako ng malalim. Sabi ko na kasi sa sarili ko na matulog ng maaga para hindi ako nagkakaganito...
Kidding aside..
Dapat may gawin tayo para matupad natin ang pangarap na minimithi.
Dalawa ang uri ng pangarap.
Ang pangarap na para sa atin at ang pangarap na para sa iba.
Mas madaling gawin ang ikalawa dahil mas tanggap ng lipunan. Ang una ay hinuhusgahan na makasariling pangarap pero iyon ang magbibigay sa atin ng kasiyahan na hindi maipaliwanag.
Pangarap na pangsarili ay maaring gawin kasabay ng pangarap na para sa iba.Posibble ba iyon?
Sa palagay ko, oo. Nasa ating mga kamay kung paano natin gagawin iyon.
Maniwala tayo na magagawa natin iyon.
Tiwala sa diyos at sa ating kakayahan.
Naku!Naku!
Kaya natin iyan!
Ano man ang sabihin nila, maniwala at magkakaroon ng katuparan ang ninanais.
Whoa! Kailangan pa bang i-ellaborate iyan? Kaya mo na iyan.
Gora!
throughmythoughts
Biyernes, Disyembre 5, 2014
Linggo, Abril 27, 2014
Another one was captured!
Oo,langit. Langit na naman?
Walang kokontra, ito ang happiness ko. Problema mo?
Gusto ko lang ipakita ang iba't ibang mukha ng kalangitan para makita ng marami ang kagandahang nakita ko. So, it is.
Hindi ako kagandahang kumuha ng litrato. 'Wag ka nang magreklamo. Aspiring photographer din ako tulad ng marami. Basta may smartphone o android phone, ayos na. Ang importante ay makakuha tayo ng mga bagay na minsan nating nakita o naranasan. Kaya tayo kumukuha ng mga larawan na kahit minsan ay hindi kalinawan ay para maibahagi natin ang mga pangyayari na iyon sa iba. Para na rin sa atin, para minsan nating maalala ang mga bagay na nagbigay sa atin ng kasiyahan at iba bang emosyon na hindi natin inaasahan.
Kaya naman, pagmasdan mo ang langit.
Ganda diba?
Parang tao, different colors, differrent emotions.
BWELA!
Miyerkules, Abril 23, 2014
Langit, langit, oh! LANGIT.
ANG KALANGITAN. bow.
Ang langit ay may iba't ibang kulay,
Nagbibigay ito ng kasiyahan at buhay,
Hanggang doon lang ang naisip kung tula baka madugtungan ko rin pero hindi muna ngayon. Gustong gusto kong tignan ang langit. Para itong napalaking canvas of art. Nagbibigay ng ibat ibang kulay at perpekto. Ang diyos ang pintor at ito ang kanyang obra.
Sa tuwing tumitingin ako sa langit, nakakapag-relax ako. Payapang payapa, walang gugulo.
Siya nga pala, kuha ang litratong iyan sa probinsya. Kitang kita ang kulay ng kalangitan sa rural.Pati bituin, sobrang dami at kitang kita ang mga constellations.Sayang at hindi ako nakakuha ng litrato ng mga bituin sa langit. Tiyak, magugustuhan mo iyon. Walang tatalo talaga sa likha ng Diyos-ang kalikasan. Sana huwag tuluyang masira ito para kahit anong oras, pwede tayong tumingin dito at mamangha sa gandang taglay nito. Libre ito, huwag nating hintayin ang araw na magkakaroon ito ng bayad.
Karamihan sa mga tao, lalo na sa lungsod, hindi na nagagawang tumingin sa itaas at pagmasadan ang ganda ng paligid. Sa tanghali, sa umaga at sa gabi, iba iba ang kagandahan ng kalangitan. Nakakamagha.
Marami sa atin, hindi pinapansin ang mga bagay na malapit sa atin. We are taken for granted those things that we have.Kasi sa isip ng tao, 'andiyan lang iyan, hindi iyan mawawala', mas tinitignan kung ano ang nasa malayo at pilit na aabutin iyon. Hindi masama ang mangarap at tuparin iyon pero gawin natin iyon, kasabay ang hindi paglimot sa magagandang bagay na meron tayo.
wheew! Ang lalim ng inisip ko. As ending.....
Basta maganda ang kalangitan, nakakatuwa, nakakamangaha kaya tignan mo ito. Makakakita ka ng kagandanhang hindi mo inakala. Ang kagandahang mapapansin mo kapag pinansin mo. :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)



